Wednesday, August 8, 2007

Ulan-baha-traffic!

Nagising ako kanina mga 4:30 ata un. Naligo,nagbihis tpos umalis ng mga 5:30..lakas ng ulan!! Pambihira hindi pa ko nakakalabas ng subdivision namin basang basa na ung pantalon ko pati sapatos ko..iyak-tawa na lang ako e..hehe

pgdating ng hi-way..sumobra pa sa inaasahan ang lakas ng ulan na may kasamang hangin. Kasabay ko ang mom ko kanina at nagdecide na lang syang umuwi ng bahay sa sobrang lakas ng pagbuhos ng ulan..

Sumakay ako ng bus,tayuan,siksikan basa ang sahig ng bus,mainit; halo-halong reaksyon ng mga tao..

"san ka boy?" tanong ng konduktor....
"Lawton,studyante." sagot ko,hahaha...dapat sa city hall ako bababa e kaso sabi sa tv baha daw kya minabuti kong sa Lawton na bumaba..Kesa naman lumangoy pa ko sa underpass di ba..

Habang nakatayo ako sa bus,nagtetext kung may pasok ba o wala,narinig ko din sa tv(di ko makita kc mdaming nakaharang kya narinig ko lang ^_^) na walang pasok ALL levels sa NCR..Eh di ako naman tong c tuwa,mejo nag isip-isip muna ako kung bababa na agad ako o hindi kc hindi ako cgurado..

Tinext ko si Justin kung bababa na sya, sabi nya baba na daw sya..Ako naman hindi rin agad bumaba dahil nagaalangan pa ako..

"Walang pasok ang elementary at high school sa NCR, College meron" sabi ng CHED..

....Pababa na sana ako nung marinig ko un,eh di syempre balik ako agad sa gitna..

mahigit dlwang oras na akong makatayo sa bus......

7:45 nagtext c pareng Jul at sabi nia na galing syang MAPUA at snabi na wla nga pasok kya ayun baba na ako sa may niog.Grabe parang dagat ung nakikita ko sa Niog, todo baha,,lubog ang sidewalk..Pra akong ninja na patalon talon sa gilid ng kalsada, wlang tawiran kaya naglakad pa ko hanggang sa makakita ako ng overpass..

Pmunta ko kina Justin dahil may kukuhanin akong cd..Ayun pinakain nila ako ng pancit canton ,,hehe ....

Maayos naman akong nakaalis sa salitran,mejo mlkas nga lang ang hangin..

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Nagising ako sa Anabu na pakiramdam ko hindi na gumagalaw ang sinasakyan kong jeepney...

TRAFFIC...............

Ang biyaheng Salitran-Imus, na wala pang 30 minutes kung minsan ay ngayon isa't kalahating oras na...

Para na rin akong pumasok......

Mabuti na rin ako nakauwi ako ng maayos...


ok sa alright na umaga...hahaha ^_^

3 comments:

leeflailmarch said...

Glad to know you got home safe. :) I hate that feeling, 'yung para bang naka-park na ang mga sasakyan sa road dahil sa heavy traffic. Whew! I miss Manila!

Hey, whatever your struggle is, you know you can always talk to me. Jesus and I can share your burden. Pero siyempre Siya muna unahin mo sabihan at hingan ng tulong, okay?

Chrish Miranda said...

swim swim swim!!
naubos na ang oras sa traffic..kawawa ang mga pasahero..

ayun,slmat tlga kuya..tlgang gnun hehe mejo ndi pa smooth sailing ang mga bgay bgay..

leeflailmarch said...

:)